Ayan pag tinamaan ka talaga ng kamalasan hindi mo pala ma-uupload ung bday entry mo on time. Whahaha… I know it’s quite due but wala ng kokontra.. akin tong blog.. hehe..
eto na nga:
April 3, 2010
01:13 AM
01:13 AM
Para sabihin ko sa inyo birthday ko ngayon yey! Thank you Lord sa panibagong taon ng buhay ko! Online ako at nasa trabaho kaya naman parang kabute ang birthday greeting saken ng mga katrabaho at dating kaklase ko sa skype... Happy birthday!! Cheers! Beer! Woah! Wag mo na isali ang kantiyawan, parte na yun pag nagbbirthday ang tao. Yun ay ang mauto para manlibre ka... hehe... Sorry guyz maluwag ang suot kong pantalon ngayon at kelangan ko higpitan ang sinturon… booooo!! Kuripoooottt!!!
Ang bilis ng panahon parang makinilya lang kung pumalo. Time is gold talaga hayzz. Minsan iniisip ko bumalik sa pagkabata, trip trip lang ba kaso hindi na pwede. Nagising na ako sa katotohanan, panahon ko ito. Isa na ako sa sumasagot sa bahay (wow responsible!). Namumurublema sa iba’t-ibang problemang dati eh kinakaharap lang ng magulang ko (at ako ay sitting pretty lang na nangunguyakoy). Lahat talaga ng bagay ay may panahon kaya naman parang dinudurog ang puso ko sa tuwing may nakikita akong kabataan na sa murang edad pa lang eh kailangan ng magbanat ng buto para lang may pang tawid gutom ang pamilya. Naalala ko dati tigas talaga ng pagtanggi ng tatay at nanay ko ng minsan eh magpaalam akong mag summer job since wala naman akong gagawin sa bahay. Sabi nila darating din yung panahong mag-ttrabaho ako kaya wag akong magmadali dahil kapag dumating yun eh hihilingin kong sana eh nag-aaral nalang ako. whahaha.. kaya naman hindi na ako pumengol pa. Sa panahon kong ito na nagttrabaho na ko eh mas nakita ko yung value ng pera. Higit sa numero at katangian nitong barya o papel, Mas nakita ko ang saya kapag ginagastos ito dahil alam mong pinaghirapan mo. Bukod sa personal na pagkakagastusan eh mas matamis ang value nito kung ito ay naibabahagi sa ating pamilya, kaibigang nangangailangan, charity at iba pang alam mo eh lubos na matutulungan. Sabi nga ng kapatid ko generous ako at hindi ko binibilang yung binibigay ko at puro lista sa tubig nalang.. whahaha (Diyos ko sana hindi nila napansing nagbubuhat na ko ng bangko sa huli kong sinabi. Thank you. Amen!). Kaya naman higit sa materyal na naibibigay ng pera sa ating buhay eh sana mas makita natin ito sa purpose na ginawa ni Lord at yun ay ang ibahagi ito sa iba.

Happy birthday ulit sken! Salamat sa lahat ng naka-alala! God bless sa lahat ng may birthday ngayon!
April 3 = Black Saturday = Born day ko! huwaw bagay na bagay birthday ng NEGRA! HAHAHA!
No comments:
Post a Comment