1. Kilalanin mong mabuti ang kandidato mo. Mag research sa net, manood ka ng balita, makinig sa radyo at magbasa ka ng diyaryo, sa gayon hindi ka agad agad madadala ng tinatawag nilang black propaganda.
2. Siguruhin sa sarili na buo ang tiwala mo sa kandidato mo at hindi mo lang siya pinili dahil siya rin ang type ng nanay mo o ng muse ng barangay niyo. Wag ka din magpapadala sa uso dahil ang uso para lang sa mga japorms yan at dapat isantabi sa mga sensitibong desisyon tulad ng pagboto.
3. Matuto kang rumespeto. Wag mo ipilit ang kandidato mo sa iba. Natural lang na iba-iba ang maging opinyon ng mga tao. Go for healthy debate.
4. Magtiwala ka sa election process, walang perpektong eleksyon pero higit sa lahat maging positibo ang pananaw mo dito, mas marami pa ring mabuting tao kesa masama (yan ang paniniwala ko) ^^.
5. Pakinggan mo ang kunsensiya mo, binigay yan ni Lord hindi para dedmahin mo kundi para malaman mo na ipinanganak kang mabuting tao. Na kahit anong mangyari eh hindi mo maaatim na ibenta ang boto mo.
**Pinoy ka kaya dapat sa May 10 present ka..
No comments:
Post a Comment