Wednesday, March 31, 2010

Ang gusto ko... Malabo!

Sa tuwing maiisip kong magsulat dito sa blog lagi ko iniisip kung paano ko sisimulan yung topic na gusto ko i-discuss.  Kahapon iniisip ko kung saan ko ba gusto i-focus yung blog ko, more on running ba? politics?. Sa dami ng iniisip ko sabi ko wag nalang gagawin ko nalang na freedom wall toh. Ehehe. Ayoko rin naman i-limit yung sarili ko sa isang topic lang boring masyado at baka next year na ulit ako mag post. HAHAHA...

Gusto ko umikot sa iba’t-ibang aspeto ng buhay yung blog ko. MMK, Pilipinas got talent, Showtime,Wowowee, Agua Bendita, May Bukas Pa (oha hindi obvious na solid kapamilya ako!) hehe.. Actually hesitant ako kasi baka hindi ako ready kung sakali mang may pumansin sa kaepalan ko dito sa internet. Ready ba ako sa mga comment na pamatay? Malugod kaya yung ibang makakabasa ng entry ko? Sa huli hindi ko rin nasagot yung mga questions sa kakarampot kong utak dahil una lumalapang ako ng butterscotch habang nag-ttype at pangalawa sumakit na yung mata ko kakatitig sa computer. Kaya wapakels na lang. =))


Gudnyt kain ako boy bawang. Hmmp alat!!

Return of the come back



Sa tinagal tagal kong walang entry dito eh halos nakalimutan ko na rin ang password ko. Cnabi ko na una pa lang wala akong hilig magsulat, magkwentuhan nalang tayo cguro. hehe..
Ang daming nangyari simula ng huling entry ko dito bukod sa naging crush ko c john llyod eh na type-an ko din ung afro na tumatakbo.. C coach rio (*kilig!) hanggang mahal ko ang pagtakbo eh nasa kanya ang puso ko.. whahaha.. yuck isa akong adik n stalker!
At un nga pagtakbo ung isa sa mga naging outlet ko sa buhay.. minsan iniisip ko kung bkit ko ba pinasok toh? nagtaka rin ung buong pamilya ko kung bkit sa lahat ng sports na niligawan ko eh dito pa ako napadpad. Nagbalik tanaw ako at natagpuan kong "tumulong" pala ung motto ko.. hehe.. parang indi nga bagay sken eh pero binawi ko rin sa huli, sa isip ko wala naman sa hitsura ung adhikain (wow lalim!) mong tumulong sa iba, taong grasa ka man o batikang druglord basta pag sinapian ka tutulong ka din. Sabi nga ng kumpare kong c Bob Ong "wala naman talagang mabuting tao, marami lang taong masarap gawan ng kabutihan". Hindi mo kailangan maging artista or muse ng barangay niyo para i promote ang isang charity event. Ikaw mismo pwede ka mag invite ng kapamilya, friends, katrabaho,tambay sa kanto, nangongotong na pulis etc. para naman may ka bonding moments ka at di ka nag-iisa. Napaka swerte ko kasi napaka supportive ng family ko at pinapatulan ang mga trip ko sa buhay. Next time nako mag post ng pictures para surprise yuck! HAHAHA
HAPPINESS!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...